22
November 2011
15        

Nakakainis ang mga taong hindi marunong pumila. Hindi sa nilalahat ko (minsan kasi ayaw ko ring pumila). Naiintindihan ko pa yung mga sumisingit dahil may nakita silang kakilala na nakapila na kanina pa at sumabay lang sila (sayang nga rin naman). Pero yung iba kasi ughh… GARAPAL!

Araw-araw akong suki ng LRT at araw-araw ko ring nakikita ang mga taong tila bulag at hindi mamalayang may pilang kailangan sundan. Yung iba, ipapasok ko na lang ang LRT card ko sa mismong entrance dahil turn ko na, aba makakasingit pa rin ang mga langya! Ang sarap sabihing, “ate may pila, pansin mo?

Nakakainis lang! Lahat naman kasi nagmamadali eh, lahat gustong mauna. Pero wag sanang garapal. Yung iba dun pa mismo sa unahan ng pila sisingit eh para makaalis agad. ANO KA BOSS? Arrghhh!!

(Source: tearbox)

  1. tearbox posted this